Wednesday, November 7, 2012

Paano mag check ng papel ang mga Koreano?

Alam nyo ba kung paano mag-check ng papel ang mga Koreano?
Kabaligtaran ito ng nakaugalian nating mga Pinoy.
Ang tama , sa halip na lagyan ng markang check ay binibiligan sa Korea at ang mali naman sa halip na lagyan ng markang (x) ay nilalagyan ng check .^^
Katulad ng larawan sa ibaba.
Hanggang sa muli , magbabalik ang
ANNYEONG KOREA [ Pinoy Edition]

Bawal ang pulang ballpen sa Korea

Alam nyo ba na mahigpit na ipinagbabawal sa Korea ang paggamit ng pulang ballpen kapag nais mong isulat ang pangalan ng kahit na sino man?
Pinaniniwalaan nila na kapag isinulat mo ang pangalan ng isang tao na gamit ang pulang ballpen ,nangangahulugan ito ng KAMATAYAN.


ANNYEONG KOREA [Pinoy Edition]

Malas ang numerong apat sa Korea

Alam nyo ba na pinaniniwalaan ng mga Koreano na ang numerong 4 ay malas! 
Katumbas ito ng salitang "kamatayan" sa kanilang wika, kaya naman sa maraming pagkakataon, iniiwasan nilang gamitin o mapabilang sa mga grupong natatapat sa bilang na "4" .

Bakit uso ang blower sa Korea?

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit wala kayong makitang mga KOREANO na naglalakad sa daan na basa ang buhok?At inaakala ng karamihan na hindi sila naliligo.Pwes nagkakamali kayo jan!
Sa Korea uso ang mga hair dryer or blower....bakit?
Hindi naman sa bawal dito ang lumabas na basa ang buhok ngunit sadyang hindi ito kaaya ayang tignan sa mata ng mga Koreano.
At lalo na sa tag-lamig...sipon ,lagnat at iba pang sakit ang aabutin mo!^^

Hindi nagsusuklay ang mga Koreano......?

Likas sa mga Pinoy ang magsuklay.Suklay dito, suklay dun..kahit saang sulok ay may dalang suklay.,Bakit nga ba?
Dito sa Korea....iisipin mong hindi nagsusuklay ang mga tao. Kapag gumamit ka ng pampublikong palikuran, wala ka halos makikita na mga Koreano na nagsusuklay sa salaminan. Naitanong ko ito minsan sa mga babaeng Koreana na kakilala ko. At ang sagot nila ay ganito: "Ayaw namin ipakita sa publiko ang pag-aayos ng aming buhok dahil pinaniniwalaan namin na ito ay hindi kaaya-aya."

Hindi nagpupulbo ang mga Koreano

Mahilig mag pulbo ang mga Pinoy...mapa babae man o mapa lalaki man...bata o matanda..walang pinipiling edad .Sa sobrang init nga naman sa pinas , tiyak makiki pulbo ka upangmaiwasan pag pawisan. Lalo na sa mga nasa high school, siguradong may baong pulbo yan. Ang iba nakaipit sa papel dajhil takot dumugin at maubos ang pulbo na dala dala.
Eh sa Korea meron bang nag-pupulbo?
WALA!!! Bakit? Dahil ang pulbo ay ginagamit lang nilang panlagay sa pwet ng mga sanggol.At dahil iba ang klima dito...hindi angkop ang maglagay ng pulbo.^^


Bakit nakasalamin ang mga Koreano?

Nagtataka ba kayo kung bakit maraming nakasalamin sa mga Koreano?
Ito ay hindi dahil sa fashion ...kundi dahil sa pagiging subsob ng mga kabataan sa pag aaral.Bukod sa oras na ginugugol nila sa pampublikong paaralan, mayroon pa silang mga academy na pinapasukan, kaya naman hindi malayong masira ang kanilang mga mata lalo na sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya. Ang ibang sanhi ng paglabo ng kanilang mga mata ay namamana.^^